Saturday, May 27, 2017

SALAMAT

5/3/2017
Sa bawat missed call ko sayo na walang return call.
Sa bawat text na hindi mo nirereplayan.
Sa bawat pagsabi mo sakin na MASYADO na ko.
Sa bawat pagkakataon na mas pinili mo yung iba kesa makasama ako.
Sa bawat pagkakataon na mas pinili mong hawakan yung phone mo kaysa kausapin ako.
Sa bawat pagsabi mo na wala tayong dapat pagusapan.
Sa bawat pagkakataon na pinaasa mo ko.

Salamat.

Salamat kasi pinaramdam mo kung saan ako nakalugar sa buhay mo.
Salamat kasi wala kang ibang sinabi kung hindi nawalan ka lang talaga ng gana.
Salamat kasi sabi mo magbabago ka na.
Salamat kasi umuuwi ka pa rin kahit gabing gabi na.
Salamat kasi gumigising ka pa rin ng maaga para ihatid ako papasok.
Salamat kasi andyan ka pa rin para sa anak ko.

Mas marami akong dapat ipagpasalamat pero sa ngayon magpapakatao ako.

Naiinip ako at nalulungkot.
Umaasa ako sa walang kasiguruhan.
Naghihintay pa rin ako sayo.
Pero napapagod na ko.